Iisang wika ang nag bubuklod-buklod sa milyon-milyong mga pilipino sa Pilipinas, 7,107 na kapuluan, at tatlong malalaking lalawigan. Iisang layon, iisang sagisag, at iisang ang ipinaglalaban. Subalit hanggang ngayon ay binubuno pa rin ng maraming populasyon sa
mundo kung paanong magkaroon ng mga transaksyon o mga pakikitungo na
sasaklaw sa malalayong lugar at sa maluwat na panahon, na di-harapan at
di-kilala ang kausap.
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nagsisilbi itong sariling mga paa ng isang bansa dahil sa mga pagbabagong nagagawa ng komunikasyon tulad ng pagkaka-isa, pagkakaunawaan, at pagtutulungan. Ito rin ang tumatayung instrumento sa ating bansa upang magkaroon tayo ng pagkakaunawaan at pagkaka-isa kung saan ito ay isa sa mga hakbangin patungo sa kaunlaran. Bukod sa mga ganitong uri ng mga kugaliaan natin ay di mawawala ang pagiging mapagmahal at pagkamasayahin nating mga pilipino. Talagang likas na sa tao ang pakikipagkaibigan at pagtulong sa kanyang mga kamag-anak, mga kaangkan, o kakilala.Mas madali para sa mga pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipag talastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. Nagagamit nating ang ating kaalaman sa pakikipag komunikasyon para sa atin ika-uunlad
Nasasalamin natin ang mga kaganapan noong mga nagdaang mga panahon, dahil sa pagtatangol ng ating mga bayani para lamang mailunsad ang ating wika. Marami rin sa atin ang hindi mawala sa isipan ang pangamba dahil sa mga makabagong salita na nabuo.
Samakatuwid, ang wika ang nagbibigay ng diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa. Ito rin ang susi tungo sa pagbabago ng isang tao, sapagkat ang kaalaman ng isang tao at nag-mumula sa kanyang kinalakhang wika. Mas maganda ang lumaki sa kanyang lugar na kung saan umusbong ang kanyang kaisipan. Kaisipan na hinding-hindi mawawaglit sa kanyang kaisipan.
Ang wikang Filipino ay higit pa nating alagaan at pagyabungin. Wikang ating nakalakihan, ating minahal, at ating inalagaan. Itatak sa 'ting isipan ang ating wika upang maging kaagapay natin into patungo sa mas lalo pang ika-uunlad ng bansang Pilipinas!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento